Blog Entry 3: Featured Workplace 1
Maganda ang lugar nakakamangha yung tilang unang araw namin hindi kasi namin alam kasi first time lang namin makapunta doon. Ang lugar na iyon ay isang tago pero pag pumunta ka doon mapapa nganga ka nalang kung anong meron sa Candle Light Cafe.
Maganda kasi madaming mga aktibidades ang meron doon makakakita ka ng ibat- ibang painting na sobrang kahangahanga. May gawaan din ng kandila, plaster, at may nag wewelding din sa lugar na yon talagang hindi ka mag sisisi na pumunta don may restaurant na matututo ka pa. Sa lugar na yun unti-unti mahuhubog ang iyong kaalam tinuruan kami doon na mag pinta, gumawa ng isang malikhang sining, malinis ang lugar ng Candle Light Cafe talagang pinupunasan ang bawat sulok mga lamesa nag wawali mapalabas man o sa loob. Sobrang laki ng lugar na yun akala mo sa labas hindi kasi parang simple lang.
Sa lugar nayon talaga ako nagandahan kasi sa mga drawing/larawan na nakita ko parang mas naingganyo ako na mag guhit muli. Nag gawa din kami sa lugar na yun ng mosaic kaya mas nakakadagdag ng kaalaman.
No comments:
Post a Comment