Sunday, October 21, 2018

Blog Entry 1: Futured at Work  (Narrative)
     

        Ako nga pala si Jovy Almonicar nag mula sa Dagatan Lipa City     nag aaral sa The Nazareth School. Sa araw ng bakasyon namin kami ay nag Work  Immersion    unang linggo na distino kami sa Candle Light cafe. 

       Bago ko umpisahan  ang aking kwento ano nga ba ang work immersion?
     
Ang Work Immersion ay bahagi ng Senior High School (Grade 11 at 12) Curriculum na nangangailangan ng 80 oras na pagsasagawa ng aktwal na trabaho or “hands-on” experience upang maranasan ito ng mga estudyante. Maari din itong paggaya lamang sa aktwal na trabaho or ‘simulated’. Hindi maaring lumampas ng 8 oras bawat araw ang pagsasagawa ng trabaho. Kailangan din gabayan ng eskwelehan at employers ang mga estudyante.
Hindi ito isang aktwal na kasunduan para makapagtrabaho. Ito ay isang proseso para maipakita sa mga estudyante ang proseso ng pagtrabaho at mapagbutihin pa ang kaalaman na ibinabahagi ng mga eskwelahan.
       Alam namin na mahirap ang mag trabaho sa Candle Light Cafe yun na yung nasaisip namin. Habang nag babyahe kami papunta doon nag kukuwentuhan kami ng aking mga kamiyembro kung ano nga ba ang gagawin namin doon. Akala namin naang Candle Light Cafe ay isa lang restaurant pero nag kamali kami. Maraming nag tatrabho doon marami kaming nakilala si na ate Merna at iba pa. Ano nga ba ang meron sa mga trabahador doon? Mapansin namin na nag tutulungan ang mga impliyado doon sa bawat gawain lalong lalo na ang pagiging malikhain kaya namangha talaga kami ng sobra sobra . Akala namin madadali lang pero habang pinapanood namin madaming proseso na kanilang ginagawa kaya. Akala din namin na mag seserve lang kami sa mga tao na kakain doon, tapos magwawalis, mag iimis lang pero hindi pala kasi tinuruan kami doon kung pano maging malikhain kaya sa pag tatrabaho alam namin na hindi dapat pa easy easy dapat pinag iisipan mabuti ang mga gagawin. Nag imis kami sa labas ng candle light cafe sobrang dami namin ginawa nakakapagod pero proud kami sa sarili namin na nagawa namin yun.
        Kaya kung mag tatrabaho tayo dapat maging masipag para maganda ang ipekto o infact sa ating kapwa trabahdor at boss. Kasi kung masipag ka magiging masipag din ang ibang impliyado. Mahirap mag trabaho kasi sabi nga nila kaylangan natin mag pakapagod at makaranas ng hirap bago natin makamit ang mga positibo para sa ating pangarap. Dapat hindi din tayo pag hihinaan ng loob  na pagod na tayo,susuko na kasi mahirap pero mali yun dapat i push natin ang ating sarili na lalagpasan ko ang hirap ng aking buhay. Sa pag tatrabaho maging masaya tayo kung anong meron kung ano ang kayungkulan natin kasi lahat nag sisimula sa maliit hanngang sa pag laki sa pagiging impliyado dapat maliksi ang kilos, machaga, at hindi nag papatalo sa pagod.


No comments:

Post a Comment